JW subtitle extractor

Alalahanin ang Kamatayan ni Jesus

Video Other languages Share text Share link Show times

Isip-isipin ang isang mundong payapa,
walang pagdurusa,
may saganang pagkain para sa lahat,
at walang nagkakasakit.
Pero paano magiging posible
ang napakagandang kinabukasang ito?
Dahil sa ginawa ni Jesus para sa atin.
May layunin ang pagpunta niya sa lupa.
Ibinigay niya ang kaniyang buhay
para sa mga minamahal niya.
Noong gabi bago siya mamatay,
iniutos ni Jesus na alalahanin natin
ang kaniyang sakripisyo.
Sinabi niya:
“Patuloy ninyong gawin ito
bilang pag-alaala sa akin.”
Sa anibersaryo ng kaniyang kamatayan,
magtitipon ang mga tao
sa buong mundo
para alalahanin siya.
Ikaw at ang iyong pamilya
ay iniimbitahan ng mga Saksi ni Jehova
sa Memoryal ng kamatayan ni Jesus.
Malalaman mo sa pagtitipong iyon
kung bakit napakahalaga
ng sakripisyo ni Jesus
at kung paano ka makikinabang
sa kaniyang mga pangako.
Para malaman ang sinasabi
ng Bibliya tungkol dito
at sa iba pang mga paksa,
magpunta sa jw.org.