JW subtitle extractor

Mga Saksi ni Jehova—Sino Kami?

Video Other languages Share text Share link Show times

‎‪Sino ang mga Saksi ni Jehova?
‎‪Mula kami sa iba’t ibang lahi at wika,
‎‪pero iisa lang ang paniniwala at tunguhin namin.
‎‪Sinasamba namin si Jehova,
‎‪ang Diyos ng Bibliya
‎‪at Maylalang ng lahat ng bagay.
‎‪Mga Kristiyano kami,
‎‪sinusunod namin ang mga turo
‎‪at halimbawa ni Jesus.
‎‪Gaya ni Jesus, sinisikap naming maging tapat,
‎‪mapayapa, at masunuring mamamayan
‎‪sa lugar namin.
‎‪At mas mahalaga, tinutularan namin si Jesus,
‎‪regular naming tinutulungan ang mga tao
‎‪na malaman ang tungkol sa Bibliya
‎‪at sa Kaharian ng Diyos.
‎‪Dahil nangangaral kami, o nakikipag-usap
‎‪tungkol kay Jehova at sa Kaharian niya,
‎‪kilala kami bilang mga Saksi ni Jehova.
‎‪Bawat linggo, nagtitipon kami sa Kingdom Hall
‎‪para matuto tungkol sa Diyos at sa Bibliya.
‎‪Libre ang pagdalo sa mga pulong namin
‎‪at welcome ang lahat.
‎‪Para makahanap ng Kingdom Hall na malapit sa inyo,
‎‪tanggapin ang imbitasyon mula sa isang Saksi ni Jehova
‎‪o mag-search online sa jw.org/tl.
‎‪