JW subtitle extractor

JW Broadcasting—Marso 2026

Video Other languages Share text Share link Show times

Jehova, aking Diyos,
Matuwid at patas ka.
Ang hirap na tinitiis
Ay ’yong nadarama.
Nasaksihan mo ang lahat
Ng paghihirap ko.
Hindi ako ang gaganti,
Kundi ikaw, O Diyos.
Hihintayin, Jehova,
Ang katarungan mo.
Ang matuwid mong hatol,
Sa ’ki’y magtatanggol.
Ako man ay ibilanggo,
Hindi pahahadlang.
Hindi ako mahihiya
O matatakot man.
Ang puso ko’y nakahanda.
Sa ’yo ay aasa.
Ama ako’y tulungan mo.
Dinggin ang tinig ko.
Hihintayin, Jehova,
Ang katarungan mo.
Ang matuwid mong hatol,
Sa ’ki’y magtatanggol.
Sino ang magliligtas?
Tanging ikaw lang Ama.
O Diyos, makatuwiran ka
At makatarungan.
Ika’y walang hanggan.
Hihintayin, Jehova,
Ang katarungan mo.
Ang matuwid mong hatol,
Sa ’ki’y magtatanggol.