JW subtitle extractor

Mahal na Sister

Video Other languages Share text Share link Show times

Sana’y pakinggan mo
ang awitin ko,
Pasasalamat ko
sa katapatan mo sa Diyos.
Ang gusto ko sana’y
malaman mong
Mahal ka namin
at pinahahalagahan.
Huwag mong isipin
na walang halaga
Ang ’yong nagagawa.
Mahal na sister.
Lagi kang naglilingkod
At nagsisikap
Kahit na may mga hadlang.
Kami’y napapatibay mo palagi.
Mahalaga ka sa amin.
Mahal ka namin.
’Di man napapansin
ang ’yong paglilingkod,
Nakakatulong ka’t
handang gawin ang ’yong kaya.
Mapagpakumbaba kang nagbibigay
Nagpapakita ka
ng tunay na pagmamahal.
Ang pagsisikap,
gaano man kaliit,
Alam ’yan ng Diyos.
Mahal na sister.
Lagi kang naglilingkod
At nagsisikap
Kahit na may mga hadlang.
Kami’y napapatibay mo palagi.
Mahalaga ka sa amin.
Mahal ka namin.
Umasa ka kay Jehova.
Ang turing niya sa ’yo’y may halaga
At tunay ang pag-ibig niya.
Mahal na sister.
Lagi kang naglilingkod
At nagsisikap
Kahit na may mga hadlang.
Kami’y napapatibay mo palagi.
Mahalaga ka sa amin.
Mahal ka namin.
Huwag na huwag kang sumuko.
Sa ’min ika’y mahalaga.
Mahal na sister.
Mahal ka,
mahal na sister.
Mahal ka namin.