JW subtitle extractor

Ang Pag-ibig ay Hindi Nabibigo

Video Other languages Share text Share link Show times

Kay sayang masdan,
May pagmamahalan;
Tayo ay magkakaibigan.
Mayro’ng pag-ibig
Sa ’ting kapatiran
Na wala sa sanlibutan.
Ang tunay na pag-ibig,
Hindi nabibigo.
Ang pag-ibig mo,
O Diyos na Jehova,
Nadarama.
Ang pag-ibig mo—
Kailangan namin ’to.
Nawa’y laging taglay
Nang kami’y mabuhay.
Pag-ibig mo.
Kahit kung minsan
Ang problema’y nar’yan;
Puso ay nabibigatan.
Ngunit pag-asa,
Dala’y kagalakan,
Tunay na kapanatagan.
Ang tunay na pag-ibig,
Hindi nabibigo.
Ang pag-ibig mo,
O Diyos na Jehova,
Nadarama.
Ang pag-ibig mo—
Kailangan namin ’to.
Nawa’y laging taglay
Nang kami’y mabuhay.
Ang pag-ibig mo,
O Diyos na Jehova,
Nadarama.
Ang pag-ibig mo—
Kailangan namin ’to.
Nawa’y laging taglay
Nang kami’y mabuhay.
Pag-ibig mo,
Pag-ibig mo.