JW subtitle extractor

Maria—Tapat at Masunurin

Video Other languages Share text Share link Show times

Pinuntahan ng ’sang anghel
Sa Galilea si Maria.
Si Gabriel ay may dalang
Mensahe para sa kaniya.
‘Pinagpala ni Jehova,
Anak ng Diyos, ’yong dadalhin.
Kasama mo si Jehova;
Lahat posible sa kaniya.’
Tinanggap niya ang atas na ’to.
Kaniyang Ama’y hindi binigo.
Si Maria’y tularan.
Siya ay masunurin
At laging tapat kay Jehova.
Susunod ako sa Kaniyang mga bilin,
Tutularan si Maria.
Nalaman ni Jose
Ang pagpapala sa kaniyang nobya.
At dahil sa pag-ibig niya,
Inalagaan si Maria.
Sa sabsaban sa Betlehem
Ay isinilang si Jesus.
At natupad nga ang lahat
Ng hulang ’binigay ng Diyos.
Pinalaki nila ang bata;
Ginabayan hanggang pagtanda.
Si Maria’y tularan.
Siya ay masunurin
At laging tapat kay Jehova.
Susunod ako sa Kaniyang mga bilin,
Tutularan si Maria.
Si Maria’y tularan.
Siya ay masunurin
At laging tapat kay Jehova.
Susunod ako sa Kaniyang mga bilin,
Tutularan si Maria.