JW subtitle extractor

129. Hindi Tayo Susuko

Video Other languages Share text Share link Show times

Pa’no harapin pagsubok na dumarating?
Tulad ni Jesus, kagalakan ay taglayin.
Pangako ng Diyos ay binulay-bulay niya.
Hindi tayo susuko.
Manalig sa ’ting Diyos.
Tapat kaniyang pangako,
Dahil pag-ibig niya sa ’ti’y lubos.
Dumaranas man ng kalungkutan at luha,
Mayro’ng pag-asang inilaan si Jehova.
Ang tunay na buhay ay makakamtan na.
Hindi tayo susuko.
Manalig sa ’ting Diyos.
Tapat kaniyang pangako,
Dahil pag-ibig niya sa ’ti’y lubos.
’Di padaraig sa takot at alinlangan.
Hanggang sa wakas, katapatan ay ingatan.
Araw ni Jehova, Ito’y malapit na.
Hindi tayo susuko.
Manalig sa ’ting Diyos.
Tapat kaniyang pangako,
Dahil pag-ibig niya sa ’ti’y lubos.