JW subtitle extractor

Ano’ng Mayroon sa Kingdom Hall?

Video Other languages Share text Share link Show times

Sa buong mundo,
marami ang nagtitipon
linggo-linggo
sa mga gusali na
tinatawag na Kingdom Hall.
Naisip mo na ba
kung ano’ng meron
sa Kingdom Hall
ng mga Saksi ni Jehova?
Dito ginagawa linggo-linggo
ang mga pag-aaral
at lecture sa Bibliya.
Noong una akong um-attend dito,
tuwang-tuwa ako
at hindi ako nailang;
dito ko lang naramdaman iyon.
Ang babait ng mga tao dito,
organisado sila,
at may malasakit sa iba.
Lahat ay imbitadong pumunta
sa mga pagtitipon.
Wala itong bayad
at wala ring koleksiyon.
Iniimbitahan ang lahat
ng miyembro ng pamilya
para sama-sama silang mag-aral.
Ang lahat ng pagtitipon
ay nagsisimula at nagtatapos
sa awit at panalangin.
Ang isang pagtitipon na
karaniwang ginagawa sa weekend
ay may 30-minutong
lecture sa Bibliya
na dinisenyo para sa lahat.
Pagkatapos,
merong tanong at sagot
na talakayan
gamit ang magasing Bantayan.
Puwede kang sumagot
kung gusto mo.
Sa isang pagtitipon
kapag weekdays,
hindi lang namin
pinag-aaralan ang Bibliya
kundi sinasanay din kami
sa pagsasalita sa publiko.
Lahat ay puwedeng pumunta
sa mga Kristiyanong pagtitipon
kahit hindi Saksi ni Jehova.
Kahit saang Kingdom Hall
ka um-attend,
iisang programa lang sa Bibliya
ang pinag-aaralan namin.
Edukasyon sa Bibliya,
masayang samahán,
at pagkakataong
sambahin ang Diyos
ang naghihintay sa iyo
sa Kristiyanong pagtitipon
ng mga Saksi ni Jehova.
Para makahanap ng Kingdom Hall
na malapit sa inyo,
puntahan ang seksiyong
Tungkol sa Amin
at punan ang search para sa
pulong ng mga Saksi ni Jehova.