JW subtitle extractor

Ano’ng Mayroon sa Kingdom Hall?

Video Other languages Share text Share link Show times

Naimbitahan ka na bang dumalo sa isang pulong ng mga Saksi ni Jehova?
2
Baka naisip mo, ano'ng meron sa Kingdom Hall? Tingnan natin!
3
Kung mapapansin n'yo, iba-iba ang laki at hitsura ng mga ito, pero simple ang disenyo ng lahat.
4
Walang mga altar, rebulto o imahen.
5
Ginagamit namin ang Kingdom Hall sa pagsamba at pag-aaral ng Bibliya.
6
Kahit sino, puwedeng dumalo sa mga pulong.
7
Wala kang kailangang bayaran at wala rin kaming hinihinging koleksyon.
8
Nagsisimula at nagtatapos ang mga pulong namin sa isang awit at panalangin.
9
May isang pulong kami na ginaganap kapag weekend.
10
Makakapakinig ka do'n ng tatlumpung-minutong pahayag sa Bibliya na ginawa para sa lahat.
11
Pagkatapos, tatalakayin ang isang artikulo mula sa magasing Bantayan.
12
Tanong at sagot ito, at puwede kang magkomento, kung gusto mo.
13
May isa pa kaming pulong kapag weekdays naman.
14
Sinasanay kami dito na maging mahusay sa pangangaral
15
at tinutulungan kami nito na isabuhay ang mga natututuhan namin sa Bibliya.
16
Kahit saang Kingdom Hall ka dumalo, pare-pareho lang ang pinag-aaralan sa mga pulong.
17
Baka may mga tanong ka pa tungkol sa mga pulong namin.
18
Siguradong masasagot 'yan kapag dumalo ka. Welcome ka dito!
19
Para makahanap ng Kingdom Hall na malapit sa 'yo,
20
makipag-usap sa isang Saksi ni Jehova o magpunta sa jw.org.