JW subtitle extractor

Bakit Magandang Mag-aral ng Bibliya?

Video Other languages Share text Share link Show times

‎‪Mula nang matuto tayong magsalita,
‎‪marami na tayong tanong.
‎‪Bakit asul ang langit?
‎‪Bakit kumukutitap ang mga bituin?
‎‪Bakit nangyayari ang masasamang bagay?
‎‪Saan tayo nagmula?
‎‪Bakit namamatay ang tao?
‎‪Ginagawa ng tao ang lahat
‎‪para makahanap ng mga sagot.
‎‪Sa ngayon, napakarami nang
‎‪makukuhang impormasyon.
‎‪Pero hindi pa rin nasasagot ang
‎‪mahahalagang tanong tungkol sa buhay,
‎‪pagdurusa, at kamatayan.
‎‪Saan tayo makakakuha ng mga sagot?
‎‪Paano kung ang sagot ay nasa Bibliya lang pala?
‎‪Marami ang nagsasabi na ang Bibliya
‎‪ay punô ng alamat at kathang-isip lang.
‎‪Na makaluma ito,
‎‪o napakahirap nitong maintindihan.
‎‪Pero ganoon nga kaya,
‎‪o baka iba lang ang iniisip
‎‪ng mga tao tungkol sa Bibliya?
‎‪Iniisip ng mga tao na ayon sa Bibliya,
‎‪kontrolado ng Diyos ang daigdig.
‎‪Pero paano mangyayari iyon?
‎‪Napakagulo ng daigdig!
‎‪Punong-puno ito ng pagdurusa,
‎‪sakit at kamatayan,
‎‪kahirapan at kalamidad.
‎‪Imposibleng isang maibiging Diyos
‎‪ang may kagagawan sa mga ito.
‎‪Baka magulat ka sa sinasabi ng Bibliya.
‎‪Ayon dito: “Ang Isa na Masama
‎‪ang kumokontrol sa buong mundo.”
‎‪Sa ibang salita, may isang masamang
‎‪espiritu na nasa likod ng mga problema,
‎‪at siya ang nagmamaniobra
‎‪sa mga bagay-bagay.
‎‪Kaya kahit ano’ng gawin natin,
‎‪hindi talaga kaya ng tao na lutasin
‎‪ang mga problema sa daigdig.
‎‪Ang magandang balita:
‎‪Sinasabi ng Bibliya na hindi
‎‪mananatiling ganito ang kalagayan!
‎‪Mababasa dito kung bakit
‎‪nagkaganito ang sitwasyon,
‎‪kung paano ito aayusin ng Diyos,
‎‪at kung ano ang puwede nating gawin sa ngayon.
‎‪Sinasagot ng Bibliya ang mahahalagang
‎‪tanong ng milyon-milyong tao sa daigdig.
‎‪Gusto mo bang maging isa sa kanila?
‎‪Handang tumulong sa iyo ang mga
‎‪Saksi ni Jehova sa pag-aaral ng Bibliya.
‎‪Punan ang online request
‎‪para sa pag-aaral ng Bibliya,
‎‪at isang Saksi ang pupunta sa iyo
‎‪para pag-usapan ang Bibliya
‎‪sa oras at lugar na puwede ka.
‎‪